Isa ka rin ba sa mahaba ang tulog tuwing weekend? Alam mo ba na nakakatulong umano ito para makaiwas sa heart attack.
Ayon sa pag-aaral na na-publish sa journal na Sleep Health ang pagtulong nang mas mahaba tuwing weekend ay nakakapagbigay ng 'bonus' sa cardiovascular health.
Mula ito sa naging pag-aaral sa Nanjing Medical University sa China kung saan sinuri ang datos mula sa National Health and Nutrition Examination Survey (NHANES) na na-compile mula sa 3,400 US adults na may edad 20 at pababa sa pagitan ng taong 2017 at 2018.
Lumalabas na ang mga taong natutulog nang isang oras o higit pa tuwing weekend ay nagpapakita ng mas mababalng rate ng cardiovascular diseases partikular na ang stroke, coronary heart disease at agine o chest pain na dahil sa pagbaba ng blood flow. Kumpara ito sa mga tao na hindi bumabawi ng tulog.
Ayon kay Dr. Marc Siegel, clinical professor of medicine sa NYU Langone Medical Center, ""Though this is observational and not proof, I believe this finding is real, because more sleep brings your metabolism down to a lower level where the risks are lower.
FAITH N. DINGLASAN - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment