Nahihirapan si Senadora Cynthia Villar na makapagsagawa ng ocular inspection sa kinandadong resort sa Chocolate Hills sa Bohol dahil nangibang bansa ang ibang miyembro ng komite.
Posibleng sa Abril na makabisita ang komite ni Villar kapag naayos na ang schedule ng mga miyembro ng komite.
"Gusto ng mga senador pumunta doon ewan ko lang kasi break namin kung anong araw kami magkakasama-sama na available kami para pumunta doon," wika ng senadora.
Limang senador ang nagtungo sa Switzerland para dumalo sa 148th Inter-Parliamentary Union na sinimulan noong Marso 23 at matatapos ng Marso 27.
Kabilang sa mga nagtungo roon ay sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Minority Leader Aquilino "Koko" Pimentel, Senador Lito Lapid, Nancy Binay at Pia Cayetano.
Si Senador Sherwin Gatchalian naman ay nagtungo naman sa Vietnam noong Marso 21-24 para pag-aralan ang sistema ng edukasyon doon at paano pinaghuhusay ang kakayanan ng mga guro.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment