Pinagbabaril ng mga hindi kilalang indibidwal ang sasakyan ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa Quezon City.
Batay sa ulat, ipinahiram ni Catapang ang kanyang Toyota Hilux vehicle na may license plate number WDQ 811 kay BuCor Deputy Director Atty. Al Perreras.
Sa inisyal na ulat mula sa tanggapan ni Catapang, ang bulletproof na sasakyan ay minamaneho ni security escort CO1 Cornelio Colalong kasama ang isa pang security escort na si CO1 Leonardo Cabaniero.
Binabagtas nito ang Skyway patungo sa Quezon City para sunduin si Perreras nang pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng kulay gray na Toyota Vios ang sasakyan.
Nabatid na inunahan ng mga suspek ang back-up na sasakyan ng BuCor na minamaneho ni CSO2 Edwin Berroya kasama si security escort CO2 Michael Magsanoc.
Tinamaan ang Hilux sa rear windshield nito kaya nawasak ang bulletproof na salamin.
Ang trajectory ng bala ay tungo sa passenger front side ng sasakyan kung saan umuupo si Perreras.
Agad namang tumakas ang sasakyan ng mga suspek patungo sa Nagtahan exit ng Skyway.
Sinabi ni Catapang na dati na silang nakakatangap ni Perreras ng death threats mula nang magpatupad ng mga reporma sa BuCor.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment