Mapayapa rito sa nayon, sa aming lupang pinangako, sa aming bersyon ng Bethlehem na sagrado rin sa tuwing may isinisilang na mga bagong anak ng bayan, silang magiging apostoles sa kanayunang tagapaghatid ng aral mula sa… | The Catalyst March 28 | Mapayapa rito sa nayon, sa aming lupang pinangako, sa aming bersyon ng Bethlehem na sagrado rin sa tuwing may isinisilang na mga bagong anak ng bayan, silang magiging apostoles sa kanayunang tagapaghatid ng aral mula sa pulang tipan, silang magiging apostoles na nagmula sa kalunsuran at piniling mamuhay rito sa aming lupa na iniwan ang rangya sa hangad na paglaya. Mapayapa rito sa nayon kung walang mga kaaway, silang mga sugo ni Poncio Pilato na walang ibang hangarin kung hindi angkinin ang lupa at bukas na para sa amin silang mga apostoles na nagbabalat-kayong Tadeo ngunit isang Hudas Iscariote na ibinenta ang sarili nang libre — walang pilak upang umanib sa mga Poncio Pilato. Kung kailan man ang huling hapunan at maging martir sa pagsapit ng bukas, hindi magagapi ang mga rebong naglilingkod sa sambayanan, hindi mauubos ang mga apostoles sa kanayunan, sa ngalan ng mga pesante ng manggagawa, at ng masang mesiyas, ang nayon at lungsod, ay amin. | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment