Sa Los Angeles nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Lovi Poe. Nandito lang siya sa bansa ng ilang araw. Ngayon ay posibleng nakabalik na siya sa America.
Kung meron man birthday wish si Lovi, "life balance," ang naging pahayag niya.
Hindi nga biro ang ginagawa ni Lovi ngayon, pabalik-balik siya sa US at sa Pilipinas.
Meron siyang career ngayon sa Tate .Bukod sa sarili nilang production company ng kanyang asawa, si Monty Blencowe, na-penetrate na rin niya ang Hollywood.
Natapos na ni Lovi ang Hollywood film na "Bad Man" at may ginagawa pa ngayon. Bukod dito, ang pinakabago niyang role talaga ay ang pagiging isang misis.
Hindi masagot ni Lovi kung saan talaga siya mas nakabase ngayon.
"To be honest, it's hard for me to say kasi nga, very in between talaga. Kasi parang, last month, I made it there and then, the other month, I made it here. So, parang pabalik-balik talaga 'ko. Parang ang mindset ko lang is everything, walang jetlag-jetlag for me.
"I just make sure that I'm healthy, strong," aniya.
Sa lahat ng ito, malaki ang pasasalamat ni Lovi na napaka-supportive raw talaga ng kanyang mister.
Although kahit ilang buwan na raw silang kasal, pakiramdam daw ni Lovi, isang buwan pa lang talaga siyang misis.
Natatawang sabi niya, "Kasi, it's just a few months that we're spending some time together. After I got married, I flew back, I was filming and pagpunta ko ro'n sa America, nag-work ako agad. So, basically, one month pa lang talaga akong wife.
"'Yun nga, that's why I wanna make sure I have time and naba-balance ko talaga. I wanna be present."
All praises naman si Lovi sa kanyang mister.
"He's great," sey niya. "I can't thank him enough kas inga with my life and work and how passionate I am sa craft ko, parang it's hard to find someone as understanding and supportive as he is.
"I have my goals and he want to see me achieve those goals. Sobrang maalaga at hindi ko na kailangan sabihin, nandiyan na. Sobrang may kusa. At ang sarap pala ng feeling na may maasahan, who takes care of me."
Pero dahil din sa sobrang kabisihan daw nila, hindi pa sila nakakapag-honeymoon. Pero kung sakali, sa Maldives daw gusto ni Lovi at itotodo.
"I guess, every day for us is honeymoon. We celebrate everytime we're together. It's all about the little things. It's not about going on a trip together, it's how you spent life on a day-to-day basis."
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment