Patuloy na nadadagdagan ang mga kaso ng pertussis infection sa bansa kung saan nakapagtala ng 28 bagong tinamaan ng naturang sakit at umabot na sa 40 katao ang nasawi, ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles, Marso 27.
Ang pertussis o whooping cough ay tinatawag din na ubong dalahit o tusperina ng mga Pinoy.
Ayon sa DOH, patuloy ang kanilang monitoring sa mga kaso ng pertussis sa buong bansa dahil sa 28 bagong kaso na naitala noong Marso 10 hanggang 16.
Sa ngayon, sabi ng DOH, umabot na sa 568 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng pertussis sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Marso 16, 2024.
May 40 naman ang naitala na nasawi dahil sa pertussis.
"The total number of cases for the same time period in 2023 was only 26, making this year's tally to date more than 20 times from that of last year," ayon inilabas na pahayag ng DOH kahapon.
Nabatid na ang mga rehiyon kung saan may pinakamaraming bilang ng mga pamahalaang lokal na nakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng pertussis ay ang Calabarzon, National Capital Region (NCR), Western Visayas, Mimaropa, at Central Visayas.
Sa NCR ang 27% o 58 kaso mula sa kabuuang bilang ng mga kumpirmadong nagkasakit sanhi ng pertussis sa lahat ng rehiyon.
Mula naman sa total pertussis cases na naitala ng DOH, anim mula sa 10, o 356 kaso (62.7%) ay pawang sanggol na wala pang anim na buwang gulang ang edad. Habang nasa tatlo mula sa apat o 270 kaso (75.8%) naman na pawang mga sanggol ang hindi pa bakunado o walang vaccination history.
"On a biweekly basis, the number of new Pertussis cases did rise from the weeks of February 4 and 11 (122 cases) to the weeks of February 18 and 25 (149 cases). This has gone down to only 73 new cases in the weeks of March 3 and 10," sabi ng DOH.
Subalit hindi pa kumpiyansa ang DOH sa naturang datos dahil maaaring magbago pa umano ang mga numero dahil sa posibleng may mga naantala pang report sa kanila.
Samantala, muling hinimok ng DOH ang publiko, partikular ang mga magulang ng mga sanggol na hindi pa bakunado.
"Vaccination is safe and effective against pertussis," sabi ng DOH.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment