Nahuli ng mga awtoridad ang isang sindikato na nangikil ng P3.6 milyon mula sa isang taxpayer para tulungan siyang ayusin ang kanyang mga bayaring buwis.
Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Martes, ginamit ng sindikato ang mga acknowl-edgement receipt na may mga pekeng pirma ng matataas na opisyal ng BIR para sa "processing of doc-uments", "extension of compliance with Computerized Accounting System," at "processing and fixation of transfer" mula sa isang District Office papunta sa isa pa.
Pineke nila ang mga pirma ng BIR Commissioner, Deputy Commissioner for Operations Group, Deputy Commissioner ng Legal Group, Assistant Commissioner ng Large Taxpayer Service at Revenue District Officer.
Sinabi ng BIR na walang fixer na kailangan para sa mga prosesong ito dahil mayroong sistema para sa mga ito sa kanilang mga tanggapan.
"The BIR has adequate revenue memorandum circulars, revenue memorandum orders, and other regu-lations that will guide the taxpayer in dealing with these concerns," ayon sa BIR.
Pinaalalahanan naman ni BIR Commissioner Romeo Lumagui ang mga nagbabayad ng buwis na iwasan ang pakikitungo sa mga hindi kakilalang tao na nag-aalok na aayusin ang kanilang mga obligasyon sa buwis at beripikahin ang awtoridad ng mga indibidwal na nagsasabing gumawa nito.
Hinikayat din ni Lumagui ang mga taxpayer na i-report sa BIR ang sinumang mga fixer na naglalako ng kanilang raket.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment