Ilang sasakyan ang nayupi nang mabagsakan ng 4.2 tonelada ng bakal nang mapatid ang kable ng crane sa isang construction site sa Aquilar St., kanto ng Recto Avenue, Manila.
Ayon kay Chairman Winsen Yu ng Barangay 294, isang trabahador ang nasugatan sa insidente na nangyari 6:00 ng umaga nitong Miyerkules.
Kabilang sa nabagsakan at tinamaan ng mga bakal ang isang kotse, 2 motor, mga bisikleta maging ang isang karinderya sa lugar.
Natapyasan din ang isang gusali na katabi ng itinatayong high rise building, condominium unit.
Sugatan din ang isang tabahador ng nasabing construction site.
Agad naglabas ng kautosan si Yu na pansamantala munang itigil ang konstruksyon ng T1 Residence na nasa mahigit 60 palapag .
Sa ngayon, pinulong ni Yu ang mga safety officer na wala munang gagawa ng konstruksyon hangga't hindi pa nagagawan ng paraan ang damages na nangyari sa kanilang barangay.
Ayon kay Yu, itinawag na niya sa City Engineer ng Maynila upang tignan ang gusali na nadamay sa pagbagsak ng mga bakal na karga ng crane.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment