Bistado ang isang babae na sinubukang magpasok ng illigal na droga sa loob ng Bilibid sa Muntinlupa.
Kinilala ng Bureau of Corrections (BuCor) ang suspek na si Wilmar Castro, residente ng Rosario, Pasig.
Napansin ni CO1 Everlyn Mary Pingian na may isinisingit si Castro sa loob ng kanyang private part.
Kaya naman nagsagawa ng strip cavity search si Pingian kung saan pina-squat ang suspek, at doon nakita ang isang tube na may laman na pinaghihinalaang shabu.
Kaagad na dinakip si Castro at nai-turn over sa Muntinlupa Philippine National Police (PNP).
Ayon sa BuCor, dadalawin ni Castro ang kanyang pinsan na bilanggo sa Dorm 4B, MedSeCamp ng New Bilibid Prison.
Samantala, agad naman prinomote ni BuCor chief Gregorio Catapang si Pingian dahil sa napigilan nitong pagpuslit ng iligal na droga, kasama na ang mga nakalipas nitong accomplishment.
"We hope to have more Pingian in BuCor, worthy of emulation, siguro kung lahat ng corrections officers natin ay tulad nya, mababawasan ng malaki ang problema natin sa atin mga facilities," ayon kay Catapang.
ATTY. EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment