Walang dahilan para alisin si Vice President Sara Duterte-Carpio bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos matanong kung mananatiling miyembro ng kaniyang gabinete ang Pangalawang Pangulo matapos magsalita si First Lary Liza Araneta Marcos kaugnay sa kaniyang saloobin kay VP Sara.
Ayon sa Pangulo, hindi apektado ang kanilang trabaho ni VP Sara sa naging saloobin ng kaniyang kabiyak.
Binigyang-diin ng Presidente na maaalis lamang ang isang miyembro ng gabinete kapag hindi ginagawa ang trabaho, kung nagkasakit o kaya ay corrupt at hindi aniya ganito ang Bise Presidente.
"Any of the cabinet secretaries will be replaced kapag hindi ginawa yung trabaho nila. All the other things are not part of the discussion. Kapag hindi na kaya, nagkasakit, sabihin mo lang, papalitan ka namin. kapag hindi marunong o koprap, tatanggalin ka talaga namin. Hindi naman ganon si Inday," saad ng Pangulo.
Hindi naman nakikita ng Presidente na kailangan nilang mag-usap ni VP Sara dahil bilang asawa, maiintindihan nito ang naging sentimyento ng Unang Ginang matapos siyang banatan ng kaniyang miyembro ng pamilya.
"I don't think we need to patch anything up. She understands, as a wife herself, the sentiments of the First Lady," dagdag ng Pangulo.
Matatandaang matapos magsalita ang Unang Ginang laban Kay VP Sara ay may ilang mga mambabatas at ilang personalidad ang nanawawagan na magbitiw ito bilang miyembro ng gabinete.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment