Ibang klase talaga ang lakas ng dating ng sexy actress na si Audrey Avila.
Malupet ang kanyang sex appeal. Ang tipo niyang hottie ang sasambahin ng maraming boylet mula ulo hanggang paa, dahil sa taglay niyang kakaibang alindog.
Aminado ang dalaga na pangkaraniwan na lang sa kanya ang makatanggap ng indecent proposal.
Sambit ni Audrey, "Siyempre na-culture shock ako, kasi ngayon lang ako pumasok sa showbiz tapos ganoon agad. Ang daming offer, sobra! May mga biglang nagme-message sa akin, mga discreet, ganyan-ganyan. May offer na money, etcetera, like half M for one night stand.
"Pero tinatanggihan ko, kasi hindi ako para roon. Pero if, hindi ba malay natin? hahaha! Kung type ko iyong guy, hindi ba, why not? Mage-enjoy ka na, mayroon ka pang half a million, hahaha!"
Nagkuwento rin si Audrey ukol sa movie nilang 'Dayo' ni Direk Sid Pascua, starring Rica Gonzales, Marco Gomez, at Calvin Reyes na streaming na sa Vivamax sa April 19.
Aniya, "Retired prosti ang role ko sa pelikula, sobrang hot ng mapapanood nila rito, mas mainit pa po sa summer ang movie namin. Kapag napanood niyo yung love scene namin mag-iinit kayo kahit naka-aircon, wild kasi iyong character namin dito.
"Sa dagat kami nag-sex, gabi yun kaya wala masyadong tao. Quickie lang siya, pero sobrang hot ng eksena na iyon," paniniyak pa ng napakaseksing talent ni Jojo Veloso.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment