Tinuligsa ni Escudero ang pagiging mahigpit umano ng Bureau of Immigration sa mga Pinoy na nag-aabroad pero napakaluwag nito sa mga pumapasok na Chinese national sa bansa.
Binanggit ito ng senador dahil sa dami ng mga Chinese na pumapasok at nagtatrabaho pa sa Pilipinas, ang pinakahuli ay ang isyu ng mga estudyante sa Cagayan province na hinihinalang naniniktik sa mga EDCA site ng Estados Unidos doon.
"Istrikto sila sa mga Pilipinong umaalis pagdating sa pago-offload pero ang luwag luwag naman nila pagdating sa mga POGO employees, POGO players pagdating sa mga hinihinalaang espiya o estudyante. Hindi ba dapat strikto tayo sa nakakapasok sa ating bansa at maluwag tayo sa kapwa nating Pilipino?" katuwiran ni Escudero sa interview nitong Sabado.
Aniya, kung magkakaroon ng imbestigasyon sa pagdagsa ng mga Chinese sa Cagayan, ang unang dapat gisahin ay ang mga opisyal ng Immigration.
Hinikayat din niya ang isang propesor na maghain ng pormal na reklamo upang masimulan ang imbestigasyon hinggil sa mga Chinese na nagbabayad umano ng milyon-milyong piso kapalit ng diploma.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment