Muling sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kanyang zero tolerance policy laban sa korapsyon makaraang maaresto ang isang opisyal ng Quezon City Engineering Office dahil sa umano'y pangongotong.
Si Joel Avila ay naaresto ng QC Police noong weekend makaraang kotongan ang isang negosyante kapalit ng pagproseso ng permit at iba pang dokumento sa pet food business ng biktima.
Sinasabing nagreklamo sa pulisya ang biktima laban kay Avila na unang humingi ng inisyal na P1.5 million para sa proseso ng business' building permit, business permit, zoning, at certificate of exemption para sa warehouse ng pet food business.
Nagdeposito ang negosyante sa account ng asawa ni Avila pero humingi pa ng dagdag na P1.1 million noong Oct. 22, 2022
Nitong March 15, 2024 ay humingi na naman ng P1.7 million ang suspek para sa zoning reclassification at makakuha ng Certificate of Exemption.
Ang halaga ay naibaba sa P700,000 at doo'y nagpasya na ang biktina na ireklamo ang suspek hanggang sa mahulog ito sa entrapment operation sa on Army Navy Restaurant sa Visayas Avenue at mahuli
"We won't tolerate these few bad eggs. We will make sure that they are punished to the full extent of the law to prove that we are serious in eradicating corruption," sabi ni Belmonte
Sinabi ni Belmonte na ang korapsyon ay hindi dapat pinapayagan laluna sa hanay ng mga empleyado ng QC Hall dahil nagpapababa ito ng magagandang accomplishments ng lokal na pamahalaan.
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment