Haharap sa patung-patong na reklamo ang isang dating konsehal ng Cebu City matapos umanong bosohan ang isang babaeng abogado bago ang flight patungo sa Cebu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Pebrero.
Sinabi ng biktima ng kinukuhanan siya ng suspek ng patagong larawan at video sa ilalim ng palda nito.
Nitong Marso 19, pormal na ngang naghain ng mga kaso ang hindi nagpakilalang biktima laban kay Nendell Hanz Abella para sa umano'y paglabag sa Section 4(a) Republic Act (RA) 9995, o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 , at Seksyon 4 ng RA 11313, o ang Safe Spaces Act.
Ito ang ikalawang pagsasampa ng biktima ng mga kaso. Una niyang inihain ang kanyang mga reklamo laban kay Abella sa Lapu-Lapu City Prosecutor's Office, na nag-dismiss sa kanila dahil wala itong hurisdiksyon.
Nagbitiw si Abella bilang konsehal ng Cebu City noong 2017 matapos siyang italaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang commissioner sa 7th Division ng National Labor Relations Commission (NLRC).
Sa complaint-affidavit ng biktima, sinabi niyang nasa NAIA siya noong Pebrero 12 habang sakay ng eroplano papuntang Mactan-Cebu International Airport sa Lapu-Lapu City. Huminto umano ang biktima sa kahabaan ng aisle dahil may kasamang pasahero sa kanyang harapan ang nagbababa ng mga bagahe sa overhead cabin.
Kalaunan ay napansin niyang hawak ni Abella ang kanyang cellphone sa hindi natural na paraan na kung saan naisip niyang kumukuha ito ng larawan o video sa ilalim ng kanyang palda.
Nang makaharap ang suspek, itinanggi ni Abella na kumuha siya ng mga larawan at video. Pagkatapos ay ipinakita niya ang isang walang laman na gallery ng imahe sa kanyang cellphone.
Agad namang iniulat ng biktima ang insidente sa isang flight attendant, na pagkatapos ay iniulat ito sa lead cabin crew.
Pagdating sa MCIA, ipinaalam ng flight attendant sa suspek na lapitan ang senior flight officer para isalaysay ang mga pangyayari. Kasama ng biktima ang mga flight attendant at isang security officer na humiling kay Abella na ibunyag ang image gallery ng kanyang cellphone.
Ipinakita ni Abella ang image gallery, iginiit na hindi siya nag-record ng anumang video at kumuha ng litrato habang nasa byahe. Ngunit hindi ito pumayag na ipakita ang binurang album.
Ipinatala ng suspek sa blotter ang insidente. Gayunpaman, hindi inaresto ng pulisya si Abella o kinumpiska ang kanyang telepono.
Nagsampa rin ng reklamo ang babaeng abogado laban kay Abella sa NLRC.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment