Na-hack na naman ang official Facebook page ng Philippine Coast Guard (PCG). Kinumpirma ito ni PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armand Balilo sa isang pahayag at sinabing hindi pa tukoy ang hacker. Sinabi ni Balilo na namonitor ng Coast Guard Pub… | Headlines Ngayon April 1 | Na-hack na naman ang official Facebook page ng Philippine Coast Guard (PCG). Kinumpirma ito ni PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armand Balilo sa isang pahayag at sinabing hindi pa tukoy ang hacker. Sinabi ni Balilo na namonitor ng Coast Guard Public Affairs (CGPAS) ang ilang mga short video na naipo-post at ibinabahagi sa opisyal na Facebook page. Nakikipag-ugnayan naman na ang CGPAS sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang magsagawa ng backend operations at i-assess ang security breach. Matatandaan na makailang beses na ring nakompromiso ang Facebook page ng PCG na posibleng umanong iniuugnay sa mga insidente ng pangha-harass sa West Philippine Sea. CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment