Sinuspinde muna ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ang klase ng mga estudyante sa Lunes (Abril 1) upang bigyan daan ang inspection sa gusali matapos bumagsak ang kisame sa entrance building na ikinasugat ng isang bisita kamakalawa ng hapon sa Maynila.
"To properly assess the safety of our facilities, PLM will suspend classes on Monday, April 1, 2024. In view of the suspension, midterms week is extended until April 8, 2024," nakasaad sa advisory ng PLM administration na naka-post sa kanilang opisyal na Facebook account.
Gayunman ang mga tanggapan sa PLM ay manatiling bukas sa Lunes.
Sa ulat ng PLM, alas-2:27 ng hapon noong Marso 29, 2024 bumagsak ang kisame sa main entrance ng Gusali ng Emilio Ejercito.
Nagtamo ng 'minor' abrasion ang bisita ng isang lady guard at patuloy na mino-monitor ang kanyang kondisyon.
Patuloy namang inaalam ang sanhi ng insidente at agad kukumpunihin para matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado at estudyante.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment