Arestado ang isang pulis, bumbero at barangay kagawad nang salakayin ang pasugalan sa Iloilo City noong Sabado.
Hindi muna pinangalanan ni Police Lt. Colonel Antonio Benitez, Jr., hepe ng Iloilo City Police Office (ICPO), ang dinakip na pulis na may ranggong corporal at nakatalaga sa isang bayan sa probinsya, gayundin ang bumberong may ranggong fire oficer 1 (FO1), at ang barangay kagawad.
Kabilang ang mga nabanggit sa 29 katao na dinampot sa anti-illegal gambling operation ng ICPO na matagal nang inirereklamo ng mga residente.
Sa ulat, 3:30 ng tanghali nang salakayin ng pulisya ang isang bahay sa Aurora Subd. sa Barangay Villa Anita dahil sa talamak na sugalan dito, partikular ng casino-style poker game na walang lisensya o permit.
Hindi na nakapalag ang mga mananaya nang bitbitin ng pulisya sa presinto at sampahan ng kasong Presidential Decree 1602 o Anti- Illigal Gambling Act.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment