Inaalam na ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang foreign counterparts at iba pang law enforcement agencies ang pagkakakilanlan ng Canadian national na iniuugnay sa nasabat na P9.6 bilyong halaga ng shabu sa Alitagtag, Batangas kamakailan.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Colonel Jean Fajardo, ang Canadian national ang natukoy na nagrenta ng bahay sa Nasugbu, Batangas na tinuluyan ng naarestong suspek, Alajon "Al" Michael Zarate, at iba pa nitong kasamahan.
Tinungo ng mga awtoridad ang bahay para isilbi ang search warrant ngunit bigo silang maabutan ang dayuhan.
Sa ngayon, ani Fajardo, tuloy-tuloy ang ginagawang case build-up at pagtugis sa mga suspek na sangkot sa isa sa pinakamalaking drug operation sa kasaysayan na mahigit isang toneladang shabu.
Nasa kustodiya na rin nila ang isang yate na pinagkargahan ng iligal na droga.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment