Pananagutan ng private concessionaire na nagpapatakbo ng open parking space sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Manila International Airport Authority (MIAA) ang idinulot na pinsala mula sa matinding sunog sa lugar na tumupok sa hindi bababa sa 19 na sasakyan nitong Lunes ng hapon.
Ayon kay Atty. Chris Bendijo, tagapagsalita ng MIAA, ang mga kinatawan ng Philippine Skylanders International Inc. (PSI) ay nangakong sasagutin ang pinsalang natamo ng mga may-ari ng mga sasakyang sangkot sa naganap na sunog.
"Siguro they are waiting still for the final result of the investigation of the Bureau of Fire but that is their statement at least for now. That is the commitment that they gave also to MIAA that they will not shy away from the liability if any at all dito sa pangyayaring ito at' yan ang commitment na binigay nila sa amin sa ngayon." ani Bendijo.
Sinabi ni Bendijo na, nitong Martes ng umaga, hindi bababa sa 7 may-ari ng 19 na nasirang sasakyan ang natukoy na, habang sinusubukan pa nilang hanapin ang iba pang 12 may-ari ng mga natitirang sasakyan.
Dagdag pa niya, hinihintay pa ng MIAA ang resulta ng imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection na inaasahan nilang ilalabas agad,
Samantala, inatasan ni MIAA General Manager Eric Ines ang PSI na pigilan ang isang katulad na insidente na mangyari muli sa pamamagitan ng paglalagay sa mga damuhan ng mga durog na bato at graba, isang hakbang na dapat ay nagawa na.
Pinaalalahanan din ng pamunuan ng MIAA ang mga may-ari ng sasakyan na gumagamit ng mga parking facility ng paliparan na huwag mag-iwan ng mga nasusunog na materyales tulad ng alcogel, alcohol, at maging mga lighter, sa kanilang mga sasakyan.
Isinasaalang-alang din ng pamunuan ng paliparan ang pagkuha ng mas malalaking fire extinguisher para makatulong sa pagpigil ng sunog.
ATTY. EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment