Natuwa ang volleyball fans nang muling masilayan sa TV si PLDT middle hitter Mika Reyes.
Kasama si Reyes sa NCAA women's volleyball panel nang magtuos ang San Beda Lady Red Spikers at San Sebastian Lady Stags nitong Linggo, April 14.
Ani Reyes, first-time niyang maging sports commentator.
Kabado man daw siya ay malaking karangalan para sa kanya na maging sportscaster.
"Mika Reyes is an NCAA Analyst na. I really missed seeing her on TV. She's still so pretty!" comment ng isang netizen.
Matatandaang hindi makakapaglaro sa buong All-Filipino Conference sa Premier Volleyball League si Reyes dahil sa shoulder injury.
"Mika's currently in rehab. For this conference? No, she won't be able to play. She underwent an operation," saad ni PLDT coach Rald Ricafort noong February.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment