Tatlo katao ang namatay kabilang ang isang sanggol sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Aghon sa lalawigan ng Quezon.
Batay sa mga ulat, kabilang sa nasawi ang isang sanggol na tinangay ng baha at dalawang lalaki na parehong nadaganan ng puno habang natutulog sa loob ng kani-kanilang bahay.
Nabatid na natutulog sa kanyang bahay sa Barangay Ibabang Iyam sa Lucena City ang 14-anyos na binatilyo nang mabagsakan ng punong Buli ang kanilang bahay dakong alas-3:00 ng madaling araw ng Linggo.
Patay din ang 50-anyos na magsasaka nang mabagsakan ng punong Acacia ang kanyang kubo sa Barangay Sampaga, San Antonio, Quezon dakong alas-10:30 ng umaga.
Namatay naman ang sanggol nang wasakin at tangayin ng baha ang kanilang bahay. Natagpuan ang labi nito na palutang-lutang sa tubig sa Sitio Resettlement ng Barangay Ilayang Polo, Pagbilao, Quezon.
Samantala, batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),
may 19,373 katao ang naapektuhan sa apat na rehiyon na sinalanta ng bagyong Aghon na na kauna-unahan ngayong taon. Umabot sa 5,343 katao ang inilikas sa 81 evacuation centers.
Sa 11:00AM bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabiang sa dalawang lugar na nasa ilalim pa rin ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Typhoon Aghon ang southeastern portion ng Isabela (Dinapigue, Palanan) at northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran).
Nasa ilalim naman ng TCWS No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
northeastern at southern portions ng Isabela (Divilacan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Ilagan City, Benito Soliven, City of Cauayan, Maconacon, Angadanan, Naguilian),
eastern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan, Aglipay), southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda),
rest of Aurora, northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kasama ang Polillo Islands,
ang northwestern portion ng Camarines Norte (Paracale, Jose Panganiban, Vinzons, Capalonga) kasama ang Calaguas Islands.
Ang Typhoon Aghon ay inaasahang patuloy na kikilos sa direksyong northeast sa Philippine Sea at lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkoles ng hapon.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment