Apat na senior intelligence officers ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang natimbog sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation matapos kikilan ang isang Korean national na inakusahang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.
Ayon sa biktima, unang nagpakilala sa kanya ang mga salarin na sila'y ahente ng Bureau of Immigration (BI). Binantaan, aniya, siyang kakasuhan kung hindi magbibigay ito ng P1 milyon, sa kabila ng paggiit niyang legal ang kanyang pananatili sa Pilipinas.
Inakusahan daw siya ng mga ito na sangkot sa illegal drugs, kungsaan natakot siya kaya nag-alok siyang magbigay ng P350,000.
Tinanggap, aniya, ng mga nagpakilalang mga ahente ang pera, pero ibinalik din ito at humirit ng buong isang milyong piso. Pero mayroon lamang P150,000 ang biktima na iniabot sa mga ito.
Nang sumunod na mga araw, humirit na naman ang naturang mga ahente ng P2 million at nagpakita pa ng arrest warrant na napag-alamang tunay.
Ang biktima ay nagsumbong sa NBI sa ginagawang pangingikil ng mga ahente.
Kaagad namang nag-organisa ng entrapment operation ang NBI.
Nang bumalik ang mga ahente para kunin ang pera, inaresto ang mga ito ng NBI nang tanggapin ang marked money mula sa Korean.
Ang apat na kotong agents, na unang nagpanggap ng ahente ng BI, ay nabatid na mga senior intelligence officers pala ng NICA.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment