Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) noong Miyerkoles ang pitong Chinese na nagtatrabaho sa isang quarry sa Batangas. Ang pag-aresto ay nag-ugat sa isang operasyon na isinagawa ng regional intelligence unit ng BI sa Calabarzon kasama ang iba pang s… | Headlines Ngayon June 1 | Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) noong Miyerkoles ang pitong Chinese na nagtatrabaho sa isang quarry sa Batangas. Ang pag-aresto ay nag-ugat sa isang operasyon na isinagawa ng regional intelligence unit ng BI sa Calabarzon kasama ang iba pang state intelligence forces at ang Taysan Municipal Police Station. Sinabi ng BI na nakatanggap ito ng impormasyon na ilang Chinese ang napatunayang ilegal na nagtatrabaho sa mga operasyon ng pagmimina. Ayon naman kay BI Commissioner Norman Tansingco, nagiging uso sa mga dayuhan ang paggamit ng mga pekeng kumpanya bilang mga petitioner. "Foreign nationals who possess a working visa but found to be petitioned by fake companies or caught to be working in other locations may face deportation cases," sabi nito. ATTY EDNA B. DEL MORAL | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment