Arestado na ang suspek sa likod ng pagkamatay ng stay-in driver sa insidente ng pamamaril sa Makati, ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos Jr.
Nang tanungin si SILG Sec Abalos tungkol sa pagka-aresto ng suspek hindi na ito nagbigay ng karagdagang detalye.
Sa isang mensahe sinabi na lang niya sa mga mamahayag na magkakaroon ng press conference sa Camp Crame.
Batay sa mga ulat ng pulisya, binaril ng suspek na sakay ng itim na Mercedes Benz na may plate number na BCS77 hanggang sa mapatay ang 65-anyos na driver na si Aniceto Mateo sa kahabaan ng southbound lane ng Edsa Ayala tunnel bandang alas-2:30 ng hapon, Mayo 28.
Sa sumunod na briefing, inihayag naman ni SILG Abalos na ang itim na Mercedes Benz ay nakarehistro sa isang indibidwal na nakatira sa Las Piñas na hindi na matagpuan sa lugar.
Sa isang follow-up operation kalaunan ay humantong sa pagkakakilanlan at lokasyon ng suspek sa kahabaan ng Riverside Village, Pasig City.
Natagpuan sa tirahan ang isang itim na Mercedes Benz na may plate number na DAD98670 kung saan nakita sa loob ng Mercedes Benz ang plate number na BCS77" saad ni SILG Abalos.
Dagdag pa ni SILG Abalos na nakuha rin sa suspek ang dalawang kalibre na pistola. Ang mga nasamsam na baril ay dinala sa PNP Forensic Group para sa ballistic examination, habang ang suspek naman ay isinailalim sa paraffin test.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment