Namataan na nagsagawa ng umano'y "intrusive patrol" sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal ang kinokonsiderang pinamakalaking coast guard vessel sa buong mundo na pagmamay-ari ng China.
Una itong inanunsyo ng West Philippine Sea (WPS) monitor na siya ring nagsabi na may kasama itong isa pang China Coast Guard (CCG) vessel.
Sa isang post sa kanyang X account (dating Twitter), ipinakita ng maritime security expert na si Ray Powell ang 165 meters na barko ng China na may body number 5901 kasama ang mas maliit pang barko na CCG 203 sa Bajo de Masinloc.
Kinumpirma ni Philippine Navy Spokesperson for the WPS Commodore Roy Vincent Trinidad ang presensiya ng pinakamalaking barko ng CCG malapit sa Bajo de Masinloc.
"Yes, as of this morning (Friday) it was 50 nautical miles from Bajo de Masinloc," sabi ni Trinidad sa isang panayam.
Base sa mga unang ulat, nagsagawa ng patrolya ang naturang barko sa Bajo de Masinloc.
"The response will be at the NTF-WPS (National Task Force for the West Philippine Sea) level. It's a Chinese Coast Guard ship and there will be (an) appropriate response from the NTF, Philippine Coast Guard," ayon kay Trinidad.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment