Naging natagumpay at punung-puno ng saya ang katatapos na "Dragons Unleased" Concert na ginanap noong May 22, 2024 sa Music Museum.
Halos mapuno ang concert venue sa dami ng gustong makita ang galing sa pagkanta at pagsasayaw ng mga artists ng Dragons Talent Management sa pamumuno ng magaling na hair and make-up stylist na si Ms Bambbi Fuentes at ang masipag na entrepreneur na si Ms. Tine Areola.
Nagpakitang gilas sa Music Museum stage ang magagaling na artists ng Dragons Talent Management na sina Shira Tweg, Khai Flores, Christa Jocson ,Mira Aquino, Elle Fernandez, RJ Ariar, Ariz Rodil, Jace Eusebio, Ash Carpio, Kisha Garcia, Kenrad Estallo, Ruby Garcia, Linsay Magsaysay, Rjay Quenwoo, Mark Cester, Shoogar at amg grupong Irizz.
Hindi rin naman matawaran ang galing ng performances ng mga special guests na sina Ice Seguerra, Laarni Lozada, Peggy Geiser at Lipstick Band. Aliw naman ang pag ho-host ni Janna Trias. This is directed by Vivian Poblete Blancaflor.
Dahil sa tagumpay ng "Dragons Unleased" Concert na ito ay nire-request ng mga fans na nagkaroon ito ng repeat. More power to Dragon Artists! Sana mas marami projects ang dumating sa inyo.
No comments:
Post a Comment