Daily Mail PH

Wednesday, May 1, 2024

“Existing ang dokumentong nag-uugnay kay PBBM sa diumano’y paggamit ng droga”– SEN. BATO DELA ROSA 

Kumbinsido si Senador Ronald "Bato" dela Rosa na may "leaked" na dokumento na nag-uugnay kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at aktres na si Maricel Soriano sa paggamit ng iligal na droga, ito aniya ay totoo at hindi gawa-gawa lama…
Read on blog or Reader
Site logo image http://headlinesngayonblog.wordpress.com Read on blog or Reader

"Existing ang dokumentong nag‑uugnay kay PBBM sa diumano'y paggamit ng droga"– SEN. BATO DELA ROSA 

Headlines Ngayon

May 2

Kumbinsido si Senador Ronald "Bato" dela Rosa na may "leaked" na dokumento na nag-uugnay kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at aktres na si Maricel Soriano sa paggamit ng iligal na droga, ito aniya ay totoo at hindi gawa-gawa lamang.

Ang mga kinuwestiyong dokumento ay ang Philippine Drug Enforcement Act's (PDEA) Authority to Operate and a Pre-Operation Report na may petsang Marso 11, 2012.

"Well, lumalabas per my impression, na yung papel na ni-leak although dine-deny ng PDEA dahil wala naman daw talaga sa inventory sa records nila, sinasabi nila nilang nong-existent pero ako masasabi ko, it is existing," pahayag ni Dela Rosa sa panayam sa Radyo 630.

"It is existing 'yang papel na 'yan dahil klaro man sa nature of the…yung papel na tinitingnan ko. Hindi 'yun AI-generated, hindi 'yun siya gawa-gawa lang," dagdag pa niya.

Katuwiran ni Dela Rosa, dating Philippine National Police (PNP) chief, may 'punch hole' umano na makikita sa nasabing dokumento.

"Dahil klaro na siya ay galing sa isang malaking, parang naka-folder kung saan tinanggal lang siya sa dun fastener. Dahil 'yung pag-picture sa kanya at pag-photocopy ay nakikita sa kanya doon yung yung butas, yung hole puncher na dinaanan niya para ipasok sa fastener" paliwanag ng senador.

"At inaamin ng PDEA legit daw yung mga vehicles na nakasulat doon, kanilang mga vehicle yun,, naniniwala ako na existing yung papel na yung pre-operation report at saka authority to conduct operation..totoo yung existing yun…" sabi pa ni Dela Rosa.

"Pero dinedeny ng PDEA dahil as far as are they concerned..wala sa kanilang files, di makikita doon. I took their words both sides, talagang nagsasabi sila na katotohanan…" sambit pa ng mambabatas.

Nang tanungin kung naniniwala siyang mayroong mga mataas na personalidad na nakasama sa drug list noong mga panahong iyon, sinabi ni Dela Rosa na, "Very clear naman sa testimoniya ng ating resource person, na ang talagang ang subject ng kanilang inaaplayan nila ng pre operation ay ang actress na Maricel Soriano at politician na si Bongbong Marcos, very clear naman sa sinabi na dun…"

Noong Martes, pinangunahan ni Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, ang imbestigasyon sa nasabing leaked documents ng PDEA.

Sa naturang pagdinig, nanindigan si PDEA Director General Moro Virgilio Lazo na peke ang nasabing mga dokumento. Pinasinungalingan naman ito PDEA investigation agent Jonathan Morales at sinabing 'authentic' o tunay ang nasabing leaked documents na nag-uugnay kay Marcos at Soriano sa iligal na droga.

Si Morales ang signatory na nasabing mga dokumento. Nang tanunging kung bakit kumbinsido ba sa mga impormasyong ibunyag ni Morales, sinabi ni Dela Rosa na naniniwala siyang walang itinatago ang dating PDEA agent.

"Kasi nakikita ko na wala siyang tinatago. very straightforward siya sa kanyang mga sinasabi at meron naman siyang ipinapakita rin na papeles talaga. Yung kopya ng papel na yun ay inaamin niya na siya ang pumirma, at hindi naman dine-deny ng mga tao na hindi siya member ng PDEA at that time, talagang taga-PDEA siya, natanggal lang siya later on," ani Dela Rosa.

Subalit hindi ito umano nangangahulugan na ang mga subject na personalidad na nakalagay sa leaked documents are kumpirmadong na mga gumagamit ng iligal na droga.

"Ibig sabihin kung ang pangalan mo ay nakalagay doon, you are a subject for validation. Pre-operation nga, kasi kapag pre-operation ka, ibig sabihin mayroong information about you na drug-using. So ginagawa yung pre-operation report bago mag-conduct ng operation," sabi pa ni Dela Rosa.

ATTY. EDNA B. DEL MORAL

Comment
Like
You can also reply to this email to leave a comment.

http://headlinesngayonblog.wordpress.com © 2024. Manage your email settings or unsubscribe.

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app

Subscribe, bookmark, and get real-time notifications - all from one app!

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at May 01, 2024
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

CG BOSS Quick check — should I keep you on this list?

You subscribed to CGBOSS in the past and Thank you  ͏ ͏ ͏ ͏ ͏ ͏ ͏ ͏ ͏ ͏ ͏ ͏...

  • [New post] Achieve Data Sovereignty through Omnisphere
    Crypto Breaking News posted: "Web 3.0 is one of the biggest buzzwords flying around the world of social media this year. An...
  • [New post] Tuesday’s politics thread is trying to stay positive.
    SheleetaHam posted: " Even though I just finished the latest Opening Arguments podcast about how Roe v. Wade is toast, and ...
  • How can the Rappler app be better? We'd like to know what you think!
    Hi daily! Have you downloaded the Rappler app? We'd love to hear about ...

Search This Blog

  • Home

About Me

Daily Newsletters PH
View my complete profile

Report Abuse

Labels

  • Last Minute Online News

Blog Archive

  • February 2026 (1)
  • January 2026 (7)
  • December 2025 (8)
  • November 2025 (4)
  • October 2025 (2)
  • September 2025 (1)
  • August 2025 (2)
  • July 2025 (5)
  • June 2025 (3)
  • May 2025 (2)
  • April 2025 (2)
  • February 2025 (2)
  • December 2024 (1)
  • October 2024 (2)
  • September 2024 (1459)
  • August 2024 (1360)
  • July 2024 (1614)
  • June 2024 (1394)
  • May 2024 (1376)
  • April 2024 (1440)
  • March 2024 (1688)
  • February 2024 (2833)
  • January 2024 (3130)
  • December 2023 (3057)
  • November 2023 (2826)
  • October 2023 (2228)
  • September 2023 (2118)
  • August 2023 (2611)
  • July 2023 (2736)
  • June 2023 (2844)
  • May 2023 (2749)
  • April 2023 (2407)
  • March 2023 (2810)
  • February 2023 (2508)
  • January 2023 (3052)
  • December 2022 (2844)
  • November 2022 (2673)
  • October 2022 (2196)
  • September 2022 (1973)
  • August 2022 (2306)
  • July 2022 (2294)
  • June 2022 (2363)
  • May 2022 (2299)
  • April 2022 (2233)
  • March 2022 (1993)
  • February 2022 (1358)
  • January 2022 (1323)
  • December 2021 (2064)
  • November 2021 (3141)
  • October 2021 (3240)
  • September 2021 (3135)
  • August 2021 (1782)
  • May 2021 (136)
  • April 2021 (294)
Simple theme. Powered by Blogger.