Ayon kay Ryza Cenon, itinuturing daw niyang pinaka-rewarding at fulfilling phase ng buhay niya ay nang maging ina siya.
Wala raw katumbas ang kaligayahan niya nang ipanganak niya ang anak na si Night.
Ipinaliwanag din niya na unique ang pangalan ng kanyang three year old son dahil gabi raw nang ginawa nila ito ng kanyang partner na si Miguel Cruz.
Kumpara raw sa ibang mga bata, kakaiba raw si Night dahil paboritong pagkain nito ang ampalaya.
Bet din daw nito ang mapapait tulad na lamang ng dark chocolate.
Hindi rin daw ito mahilig sa gadgets tulad ng ibang kabataan.
Siya rin daw ang bad cop sa kanila ni Miguel pagdating sa pagdidisiplina sa anak.
Mas takot daw kasi sa kanya si Night compared kay Miguel.
Favorite bonding moment naman nila ay kapag binabasahan niya ng children's stories ang anak.
Puring-puri naman ni Maricel Soriano ang aktres nang maging panauhin ito sa vlog ng Diamond Star.
Sobrang lab daw niya si Ryza dahil lagi raw siyang naaalala ng aktres.
Minsan daw ay nasosorpresa na lang siya dahil sa padala nitong food na niluto.
Sa vlog din ng Diamond Star, ipinagluto rin siya ng steak ng aktres.
Sey ni Ryza, ironic daw na hindi siya kumakain ng kanyang niluluto at minsan ay nag-oorder pa siya ng kanyang pagkain.
Pag daw kasi nagluluto siya ay nabubusog na siya habang ipine-prepare ang pagkaing niluluto.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment