Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ang 85-anyos na si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor Nur P. Misuari at anim na iba pa.
Sa 68 pahinang desisyun ng Sandiganbayan, si Misuari na guilty sa dalawang kaso ng graft na may kaugnayan sa P77 million na halaga ng maanomalyang pagbili ng education materials noong 2000 at 2001.
Si Misuari na dumalo sa promulgasyon sa pamamagitan ng video conferencing ay ipinakukulong ngbmula anim hanggang walong taon sa kada kaso.
Pinagbawalan na rin si Misuari na magkaroon pa ng posisyon sa gobyerno.
Napatunayan rin na guilty sina dating Department of Education – ARMM director III Leovegilda P. Cinches, chief accountant Pangalian M. Maniri, supply officer Sittie Aisa P. Usman, accountant II Alladin D. Usi, Commission on Audit – ARMM resident auditor Nader M. Macagaan at may-ari ng CPR Publishing na si Criseta D. Ramirez.
Samantala, abswelto si Misuari at anim na iba pa sa kasong malversation through falsification. Sinabi ng anti graft court na nabigo ang prosekusyon na patunayan ng lubos ang pagkakasala ng mga akusado.
Si Misuari at mga kapwa nito akusado ay kinasuhan sa iregular na pagbabayad ng P31,000,000 sa MBJ Learning Tools noong Dec. 21, 2000 para sa binili na Information Technology package kahit hindi naman ito naideliver.
Bukod dito, nakasuhan din sila sa pagbabayad ng P46,261,250 sa CPR Publishing noong July 24, 2001 para naman umano sa Multi-Media Information Technology Package.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment