Pinalagan ni Senate President Francis 'Chiz' ang palipad-hangin na pinili siya bilang pinuno ng Senado dahil sa pagiging lackey o alipores ng Palasyo.
"That's unfair because nobody ever accused Senator Zubiri of being a Palace lackey. That he was chosen by the Palace to be our Senate President," pahayag ni Escudero sa panayam sa ANC.
"We always stood up and said we chose him as our Senate President for him to say now or accused that it is anyone other than him is a Palace lackey would be unfair because the Palace does not even have a vote on this issue. Suffice it to say that Senators elect the Senate President," dagdag pa niya.
Ginawa ang reaksyon kasunod nang naunang pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na may 'outside forces' na sangkot sa pagpapalit ng liderato sa Senado at si Escudero ang tanging kandidato ng Palasyo para palitan si Zubiri.
Subalit bago nagpalit ng liderato sa Senado, sinabi ni Escudero na hindi siya interesadong maging Senate chief sa kabila ng alalahanin tungkol sa direksyon ng liderato ni Zubiri lalo na ang isyu ng Charter Change.
Noong Mayo 16, nanguna si Escudero sa pagbabago ng liderato ng Senado kung saan 15 senador pumabor sa kanya para palitan si Zubiri.
"When I say initiated, that's when I decided that I do want to take the leadership helm of the Senate if my colleagues will support me," saad ni Escudero.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment