Posibleng sumuko na ang isa sa kasamang akusado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy sa kasong qualified human trafficking at child abuse.
Ayon kay Criminial Investigation and Detection Group (CIDG) Director, P/Major Gen. Leo Francisco, mayroon umanong on going negotiation para sa pagsuko ni Barangay Tamayong Chairman Cresente Chavez Canada, ang isa sa kasamang akusado ni Quiboloy sa mga nasabing kaso.
Si Canada ang Barangay Chairman kung saan nakatirik ang KOJC o tinatawag na prayer mountain.
Nitong Sabado, isinuko ni Canada sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Isrelito Torreon ang kanyang 21 baril sa CIDG Regional Field Unit (RFU).
Ayon pa kay Torreon, ipinagkatiwala ni Canada ang kanyang mga lisensyadong baril sa pulisya bilang isang gun collector at upang hindi rin maakusahan na ginagamit ito bilang pagprotekta sa kanilang lider na si Quiboloy.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment