Ipinabasura ng Supreme Court (SC) sa Sandiganbayan ang lahat ng kasong isinampa laban kay dating Department of Agriculture Secretary Arthur Yap na may kaugnayan sa Priority Development Assistance Funds (PDAF) scam.
Anang SC, nakagawa ng 'grave abuse of discretion' ang Sandiganbayan sa pagdinig sa naturang kaso.
Sa desisyon ng SC 3rd Division noong Abril 15,2024 pinagbigyan nito ang petition for certiorari na inihain ni Yap at iniutos ang pagbasura sa two counts ng graft, isang count ng malversation of public funds at isang count ng malversation through falsification of public documents.
Sa nformation na isinampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan noong 2017, si Yap at dating Misamis Occidental 1st District Rep. Marina Clarete ay inakusahan ng 'misuse' o di paggamit nang wasto sa PDAF na may kabuuang totaling P7.8 milyon noong 2009.
Ang naturang pondo ay ginamit umano sa mga ghost project gaya ng pagpapamahagi ng livelihood kits sa mga kwalipikadong beneficiaries.
Sinabi ng SC na nakagawa ng pang-aabuso ang Sandiganbayan dahil ang information na isinampa laban kay Yap ay naglalaman ng alegasyon na sapat na.para.makasuhan sa isinampang kaso laban sa kanya.
Sinabi pa ng SC na ang ginawa ni Yap na paglagda sa memorandum of agreement sa pagitan ng DA at implementing agency na National Agribusiness Corporation ay hindi nagpapakita ng 'partiality' o pagbabaya at di rin nagbibigay ng 'unwarranted benefits' sa kanyang kapwa akusado.
"Yap's well-taken asseveration passes judicial muster," ayon pa sa SC.
Bukod diyan ay umabot umano ng tatlong taon bago nakapagsagawa ng preliminary investigation ang Ombudsman nang walang 'valid' na dahilan.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment