Nagkita nang muli sina Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping matapos bumisita ang una China para sa kaniyang 2-araw na state visit sa naturang bansa.
Sa kanyang pagdalaw ay sinabi ng pangulo ng Russia na bukas ito sa pakikipagdayalogo hinggil sa mga usapan na may kaugnayan sa Ukraine.
Ito ang inihayag ni Putin sa isang panayam sa kasagsagan ng pagbisita nito sa China para sa kaniyang state visit sa naturang bansa.
Sinabi ni Putin na handang makipagnegosasyon ang Kremlin kaugnay sa nangyayaring sigalot ngayon sa Ukraine ngunit ang mga ito aniya ay kailangan munang isaalang-alang ang interes ng lahat ng mga bansang sangkot sa nasabing gusot partikular na ang interes ng Russia.
Sa state visit ni Putin sa China ay bahagi ng kanilang pagpapamalas ng pagkakaisa sa pagitan ng naturang dalawang bansa.
Nangako ang pinuno ng Tsina at si Putin na palalalimin pa nila ang kanilang estratehikong partnership sa Beijing bilang isang malinaw na pagpapakita ng kanilang lumalagong pagkakahanay.
Sa gaganapin pa nilang mga pagpupulong ay inaaasahan ang mas pagbibigay-diin pa ng mga ito sa kanilang mga commitment sa walang hanggang relasyon na kanilang nilagdaan noong taong 2022 bago pa man magsagawa ng full-scale invasion ang Russia sa Ukraine.
FAITH N. DINGLASAN - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment