Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lineup of festive activities patungo sa selebrasyon ng "Araw ng Maynila" sa June 24, 2024, para sa ika-453 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito.
"I am inviting all Manilans to take part in the said activities and celebrate our beloved city's founding anniversary with us. These are all being offered at no cost to the people of Manila," pahayag ng alkalde.
Sinabi pa ni Lacuna na ang nasabing activities ay magsisimula serye ng series free concerts na tinawag na "Tunog Maynila" at gagawin sa Kartilya ng Katipunan tabi ng Manila City Hall sa June 1, 8, 15 hanggang 22. 2024.
Ang nasabing concerts na gagawin sa apat na Sabado ay nagtatampok sa four 12 pangunahing banda sa bansa.
Bawat concert ay magkakaroon ng spectacular ""Lights and Fireworks Show".
Sasamahan ang nasabing concert series ng"Lasa Maynila," isang food bazaar ng Mercato Central na magbubukas mula 4 p.m. hanggang 11 p.m. kada Biyernes, Sabado at Linggo para sa buong buwan ng Hunyo.
Ayon pa kay Lacuna ang free concert na tinawag na "Musiko Maynila" na nagtatampok sa Metro Manila's top Marching Bands ay gagawin kada Biyernes mula 5 p.m. hanggang 6 pm.
Tuwing Biyernes din, ang lungsod ay magkakaroon ng talent contest na tinawag na 'Talentadong ManileƱo' na iho-host ng 'Bekshies ng Maynila' at ito ay mula 6 p .m. hanggang 10 p.m.
Tuwing Linggo Naman ang Sunday dance competition na tinawag na 'Zumba Manila at ito ay inorganisa ng Manila SPTA. Ito ay gagawin sa 'Move Manila' sa Roxas Boulevard.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment