Hinimok ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan ang Kongreso na agad aprubahan ang panukala upang obligahin ang mga business establishment na maglagay ng mga closed-circuit television (CCTVs) systems.
Iginiit ni Yamsuan ang kahalagahan ng paggamit ng CCTV at iba pang modernong technological tools upang mapigilan ang krimen at matulungan ang mga pulis na maresolba ang mga krimen.
Si Yamsuan ay co-author ng House Bill 8068 na naglalayong obligahin ang mga business establishment na mayroong 20 o higit pang empleyado o ang daily transaction amount ay P50,000 na maglagay ng mga CCTV camera.
"HB 8068 takes this one step further by making this a requirement, rather than a preference, for all businesses that have more than 20 employees or those engaged in large transactions on a daily basis. The private sector can play a key role in helping law enforcers secure public places and prevent crime by installing CCTV cameras in strategic locations," sabi ni Yamsuan, isang dating Assistant Secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Naalala ni Yamsuan na noong 2022 ay naglabas ang DILG ng memorandum circular na humihiling sa mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa kaugnay ng paglalagay ng mga CCTV camera sa business establishment sa kani-kanilang mga lugar.
Makatutulong din umano ito upang mabantayan ang mga pulis sa pag-abuso sa kanilang tungkulin, ayon sa mambabatas.
Ipagbabawal naman ang paglalagay ng CCTV camera sa mga palikuran, changing room at mga katulad na lugar.
Ang kuha ng CCTV ay maaari lamang gamitin sa isinasagawang imbestigasyon ng otoridad o prosekusyon sa mga lumabag sa batas.
Ang mga lalabag ay maaaring makulong ng hanggang anim na buwan at/o magmulta ng hindi hihigit sa P10,000.
Ang HB 8068 ay pangunahing akda nina Representatives Paolo Duterte (Davao City), Eric Yap (Benguet), at Edvic Yap (ACT-CIS party-list).
ARVIN SORIANO (Ll.B) – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment