Isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros na sisiyasatin ng kanyang komite ang posibleng hacking at pang-eespiya ng China sa Pilipinas sa pamamagitan ng tinayong scam hub sa lote ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ayon kay Hontiveros, marami na silang nakuhang ebidensiya na ang naturang lote na tinayuan ng 37 gusali ay ginamit ng mga sindikatong Chi-nese sa ilegal nilang operasyon tulad ng pang-scam, human traffickin¬g at iba pa.
"Huwag din nating kalimutan na ang POGO sa munisipalidad ni Mayor ay may diumanong hacking at surveillance activities. Considering China's aggressive influence operations around the world, it would be remiss of the Senate not to look into this angle," ayon sa senadora.
Aniya, isisiwalat ng ilang ahensiya ng gobyerno ang natuklasan nila sa scam hub sa Tarlac sa gagawing executive session ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.
Kasabay nito, nilinaw ni Hontiveros na ang ginagawang imbestigasyon kay Mayor Guo ay hindi pag-atake sa mga Chinese sa Pilipinas.
"My own maternal great grandmother was pure Chinese. The revelations about Mayor Alice Guo came out after evidence of her complicity in POGO related crimes. At ang ibang ebidensiya galing mismo sa kanyang mga salita," giit ni Hontiveros.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment