Arestado ang tatlong lalaki dahil sa pagpatay sa isang aspin sa Iligan City noong Lunes.
Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay isang 52 taong gulang na sidewalk vendor, 54 taong gulang na janitor at isang 42 taong gulang na walang trabaho.
Nakunan ng video ang mga suspek na tinatali at kinaladkad ang aso sa isang motorsiklo.
Ayon sa pulisya, sinadya ng mga suspek na patayin ang aso.
Dinala na sa Iligan City Police Station 1 (ICPS1) ang mga suspek at ang labi ng aso para sa dokumentasyon.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act of 1998.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment