Starstudded ang katatapos na premiere night ng "Seoulmeyr" dahil dinaluhan ito ng mga sikat na artista tulad na lamang nina Joross Gamboa, Diego Loyzaga, Ella Cruz at marami pang iba.
Syempre present ang mag jowa na sina Kim Molina at Jerald Napoles na silang bila sa nasabing pelikula.
Wala pa ring kupas ang galing ng blockbuster director na si Darryl Yap na siyang nag direk ng pelikula. Ma pi feel mo talagang nanunuod ka ng Korean Movie habang pinapanuod mo amg pelikula dahil bukod sa ganda ng istorya ay napakaganda ng cinematography dahil kinunan sa Seoul Korea ang halos kalahati ng pelikula.
Istorya ito ng isang K-drama fanatic ang matatagpuan na sa wakas ang "oppa" na kanyang pinapangarap. Pero ano ang mangyayari kung siya ay hindi katulad ng inaasahan niya?
Ang real-life sweethearts na sina Kim Molina at Jerald Napoles ay muling nagbabalik sa big screen upang maghatid ng charm at kilig sa 'Seoulmeyt,' ang kanilang latest romantic-comedy na nakatakdang ipalabas sa buong bansa sa May 29, 2024.
Ang 'Seoulmeyt' ay ang 16th film ng box-office director na si Darryl Yap kung saan tampok ang kuwento ni Luneta "Lunie" Paticul (Kim), isang social worker at K-drama fan. Siya ay mula sa isang komunidad na sinalanta at napinsala ng bagyo.
Isang araw, isang kumpanya mula Korea ang mag-aalok ng magandang oportunidad na bilhin ang lupa at magtayo doon ng isang port. Pinapangako rin nila sa mga residente na magbibigay ito ng mga bagong trabaho at mas magagandang pamamahay. Bilang community leader, si Lunie ang makikipag-negosasyon sa anak ng may-ari ng kumpanya na si Park Ju Tae (ginagampanan ng Korean actor na si Ha Ju-young).
Dahil ayaw makipagkita ni Ju Tae sa mga may-ari ng lupa, aatasan niya ang kanyang makulit na assistant na si Juanito "Jun" Mamaril (Jerald) na gawin ang trabaho. Mapipilitan si Jun na magpanggap bilang kapatid ni Ju Tae, kaya magta-transform ito bilang Park Jun Jun, isang Koreanong negosyante.
Para mapa-oo si Lunie, dadalhin siya ni Jun sa Korea kung saan aayusin niya ang deal. Kasabay nito, tila nagugustuhan na rin nila ang isa't-isa. Lalo pang magiging riot ang lahat dahil makakaharap din ni Lunie ang tunay na boss.
Sa kabila ng mga kalokohan at mga hamon na dala ng ibang kultura, mag-translate kaya ang feelings nina Jun at Lunie sa isang romance? Ano ang gagawin ni Lunie kapag nalaman niya ang fake persona ni Jun? Panoorin ang nakakatuwang chemistry nina Kim at Jerald sa isang 'di-malilimutang adventure sa 'Seoulmeyt.'
Ang romantic-comedy film na ito ay ang ikatlong proyekto nina Kim at Jerald kasama si direk Darryl. Nagkasama na silang tatlo sa pelikulang 'Jowable' noong 2019 at sa 'Ang Babaeng Walang Pakiramdam' noong 2021.
Para sa 'Seoulmeyt,' nakipagsanib-puwersa ang Viva Films at VinCentiments sa Film Line Productions mula Korea, na tumulong din sa pag-produce ng iba pang pelikula ng Viva tulad ng 'Indak' at ''Yung Libro Sa Napanood Ko.'
Sa inilabas na teaser video ng pelikula nitong Abril, tampok dito ang 'Oppafied Version' ni Jerald ng awiting "Sa Iyo," na orihinal na kinanta ng pop superstar na si Sarah Geronimo.
Tiyak na magpapaulan ang 'Seoulmeyt' ng katatawanan at pag-ibig sa isang kwentong sumasalamin sa pagiging matatag at masayahin ng mga Pilipino. Kasama rin sa pelikula sina Candy Pangilinan, Alma Moreno, at Isay Alvarez.
Hanapin na ang inyong 'Seoulmeyt' simula May 29 sa mga sinehan sa buong bansa
No comments:
Post a Comment