Napatunayan ng isang korte sa Taguig City na may sala sa kasong rebelyón ang isang babaeng pinuno ng Bagong Hukbóng Bayan o New People's Army (NPA).
Sinentensiyahán ni Judge Marivic C. Vitor ng Branch 266, Taguig Regional Trial Court, si Ma. Salome Crisostomo alyás "Salome Ujano" ng hanggang 17 taón pagkakakulóng.
Base sa rekord ng korte, noong Nobyembre 2005 pinangunahan ni Crisostomo ang opensiba laban sa mga puwersa ng gobyerno. May mga sundalong nasawi at nasugatan at may mga ari-ariang napinsalà sa mga serye ng pag-atake ng NPA.
Itinanggí ni Crisostomo ang alegasyon, ngunit mas binigyang bigát ng hukuman ang positibong pagkilala sa kanyá ng mga nakaligtas sa mga pag-atake.
Pinurì naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang Task Force on Counter Terrorism sa tagumpáy nito sa kaso.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment