May panawagan ang mga fans ni Kim Chiu sa produksyon ng It's Showtime.
Ito'y ang pagkakaroon ng isa pang special celebrity edition ng EXPecially For You, isa sa mga segments nito.
Napupusuan kasi ng mga Showtime hosts led by Vice Ganda na isalang si Kim.
Along with Kim ay puwede ring i-guest ang ex-boyfriend nitong si Gerald Anderson since good friends naman sila.
Puwede ring ang climax ng segent ay piliin ni Kim si Paulo Avelino.
Sa madaling salita, the edition featuring Kim as the searchee will cone out "staged."
Bilang pamemleytaym kay Kim, pinangunahan pa nga ni Vice Ganda ang mapang-alaskang kanta.
Nag-chorus ang mga hosts while singing: "Ang buhay ng 'sang single ay masayang tunay…!"
Paulit-ulit nila itong kinakanta para kay Kim na panay tawa lang.
Nakahanap naman ng tiyempo ang Chinita Princess na "magseryoso," na kunwari'y affected much sa pambubuska sa kanya ng mga kasamahan.
Pag-e-emote nito nang nakabungisngis to the delight of her co-hosts: "Tama na…hirap na hirap na akooo!"
Kung sakaling matutuloy ang edisyon na 'yon, nakasalalay kay Gerald ang paghahanap ng kapalit ni Xian Lim sa puso ni Kim.
Bakit nga ba hindi?
Malay naman natin na ang "for kicks" na edition na 'yon ay magbunga ng maganda para hindi na zero ang lovelife ni Kim?
We never can tell, can we?
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment