Ibinunyag ng Land Transportation Office (LTO) na mayroong 100 car dealers na hindi accredited ng ahensiya kaya hind makakuha ng plaka ng sasakyan.
Sa Bagong Pilipinas public briefing, sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na nadiskubre nila nitong Martes na may mga dealers na hindi accredited ng LTO mula sa Calabarzon area.
Ito aniya ang dahilan kaya ang mga nakabili ng sasakyan sa mga car dealer na ito ay hindi makakuha ng plaka sa kanilang tanggapan.
"We just discovered today, we already identified 100 dealers diyan lang sa Calabarzon na hindi accredited sa LTO. Kaya siguro dito sa mga taong bumili ng sasakyan dito sa mga dealers eh walang plakang lumalabas," ani Mendoza.
Maglulunsad aniya sila ng crackdown sa lahat ng dealers sa mga rehiyon at sa district offices para maipasara ang mga car dealer na walang accreditation.
Lahat aniya ng accredited car dealers ay binibigyan ng ilang araw bago maibigay sa kanilang kliyente ang plaka ng sasakyan, OR/CR at RFID.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment