Inaresto ang isang aktibong miyembro ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) at retiradong Army ng mga elemento ng PNP-Highway Patrol Group na nagsisilbing escort sa VIP sa Parañaque City, nitong Martes ng hapon.
Kinilala ang naaresto na sina PSSG Rafael Gungon Boco Jr., 45, ng Lalana St Tondo, Manila, nakatala sa HPG-NCR; at ret. MSG Florencio Rabuya Genoso Jr., 57-anyos, ng Pinagsama, Taguig City.
Ayon kay BGen Jay R Cumicad, Dir HPG, 4:00 ng hapon nang maaaresto ng mga elemento ng Regional Highway Patrol Unit-NCR ang mga suspek sa isinagawang operation sa Diokno Ave. corner ASEANA City malapit sa Solaire Hotel Casino, Parañaque City.
Nagsasagawa ng operasyon ang mga operatiba nang mamataan ang dalawang suspek na sakay sa motorsiklo at ng mga operatiba ang mga suspek sa paglabag sa PD 96 (Declaring Unlawful the use or attachment of siren, bells, horn, whistles, gadget that emit exepctionally loud or startling sound) at illegal na pag-escort sa isang sasakyan ALPHARD.
Pinara ng mga operatiba ang mga suspek na pawang nakasuot ng blue type at black riding jacket sakay sa motorsiklo at hinanapang ang mga ito ng dokumento ng mga motorsiklo na mayroon marking na "Pulis" sa windshield.
Sa pagsisiyat ang motorsiklo Susuki VSTRON 650 na may plakang NE 15551, nakarehistro sa isang Private individual na taga Pasay City na gamit ni MSG Genoso habang Kawakasi LE 650F na may plakang 1312-423146 kulay White, nakarehistro sa Provincial Government of Cavite na may address na Trece Martires City, Cavite na gamit ni SSG Boco.
Sinabi ni Cumicad na sinampahan ang dalawa ng kasong criminal sa Parañaque Prosecutor office, bukod sa kasong criminal nahaharap rin si Boco sa kasong administrative.
Kaungay nito, inatasan ni PNP Chief Gen Rommel Marbil si Gen. Cumigad na magsagawa ng imbestigasyon kung papaano nangyari ito.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment