Naaresto ng mga elememto ng Phlippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang isang dating miyembro ng Philippine Army sa pagkidnap sa isang 15-anyos at driver nito sa Pasay City noong January 2024.
Kinilala ang naaresto na si Alexander Sayson Anobling alyas ":Alex".
Ayon kay Brigadier General Cosme Abrenica, direktor ng PNP-AKG, inaresto si Sayson sa bisa ng warrants of arrest mula sa sala ni Judge Jehan B Sampac Hassiman ng Regional Trial Court Branch 11, Family court, Pasay City noong May 10, 2024 sa kasong 'Kidnapping for Ransom'.
Walang inilaan piyansa ang korte para sa pangsamantala kalayaan ng suspek.
Nabatid na kinidnap ng grupo ni Sayson ang 15-anyos na binatilyo at driver nito matapos haranging ang sinasakayan ng mga ito sa Cartimar Pasay City noong Jan. 14, 2024.
Ligtas na nasagip ng mga otoridad ang biktima sa Tarlac City noong Jan. 15, 2024.
Nasa kustodiya ng PNP AKG sa Camp Crame si Sayson.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment