Nagsagawa ng kilos-protesta ang Gabriela Women's Party kaugnay ng pagtataas sa singil sa kuryente sa tapat ng Meralco Business Center sa Kamuning, Quezon City.
"The recent increase in electricity rates places an undue burden on ordinary Filipino families, who are already struggling with meager wages and rising living costs. Meanwhile, power generation companies and Meralco continue to report soaring profits," sabi ni Rep. Arlene Brosas.
Inanunsyo ng Meralco noong Martes ang pagtataas ng P0.4621 kada kiloWatt hour sa singil nito ngayong buwan o mula P10.9518 kada kWh ay magiging P11.4139 kada kWh.
Ang isang residential customer na gumagamit ng 200 kWh kada buwan ay magkakaroon ng dagdag singil na P92.
"Ginagamit pa ng NGCP at Meralco ang alerts para bigyang katwiran ang pagdadagdag ng singil sa kuryente. Pero yung pasensya ng mga Pilipino sa mga ganitong pakulo ay nasa red alert na," dagdag pa ni Brosas.
Sinabi ni Brosas na ang dapat atupagin ng Kongreso ay ang pagbasura sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at hindi ang pag-renew sa prangkisa ng Meralco.
"Dapat ibalik sa gobyerno ang responsibilidad ng pagbibigay ng pampublikong serbisyo dahil wala sa interes ng mga malalaking negosyo ang pagbibigay ng murang singil sa pampublikong yutilidad," sabi pa ng lady solon.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment