Walang matatanggap na mid-year bonus ang mga tauhan ng Philippine National Police na mayroong nakabinbing kaso.
Ito ang inihayag ng pamunuan ng PNP matapos nilang i-anunsyo na ini-release na ang halagang Php 7.6 Billion para sa kanilang mid-year bonus na katumbas ng kanilang isang buwang basic pay.
"This mid-year bonus, equivalent to one month's basic pay as of May 15, 2024, is granted to personnel who have served at least four months of service from July 1, 2023, to May 15, 2024."
Ang bonus na katumbas ng kanilang one-month basic salary ay ibinigay sa mga PNP Personnel na naglingkod nang hindi bababa sa apat na buwan mula July 1, 2023 hanggang May 15, 20
Subalit hindi muna makakatanggap ng mid-year bonus ang mga pulis na may kinakaharap na mga kaso at mga nagsisilbi ng parusa bilang bahagi ng disciplinary policy ng PNP
Nabatid na simula kahapon ay pumasok na sa ATM Payroll Accounts sa Land Bank of the Philippines ang bonus ng mga pulis. Ito'y kasunod ng pag-released sa mahigit P7.6 Billion pondo para sa mid-year bonus ng mga alagad ng batas.
Kinumpirma ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na mayroong 228,893 na mga aktibong PNP personnel ang makakatanggap ng nasabing mid-year bonus.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment