Nasa 100 bangka ang umalis nang maaga nitong Miyerkules sa Zambales para sa civilian mission sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).
Pinangunahan ang misyon ng Atin Ito coalition na sinamahan ng daan-daang volunteers kabilang ang tatlong observers at journalists.
"The primary objectives of the mission are to conduct a 'peace and solidarity regatta' within our EEZ, during which symbolic markers/buoys emblazoned with the rallying cry 'WPS, Atin Ito!' (WPS is ours!) will be placed to reinforce our country's territorial integrity," sinabi ni Atin Ito co-convenor at Akbayan president Rafaela David .
Namahagi rin ng gasolina ang grupo sa mga Pilipinong mangingisda sa lugar.
Sinabi ni David nitong Miyerkules na ang civilian supply mission ay binubuo ng limang commercial fishing vessels at 100 mas maliliit na fishing boat.
Humigit-kumulang 200 boluntaryo kabilang ang mga tripulante ang nakasakay sa limang komersyal na sasakyang-dagat, habang ang 100 mangingisda ay nasa maliliit na bangka. Kabilang sa mga organisasyong lumahok sa civilian mission ay ang mga sumusunod:
New Masinloc Fishermen's Associations
Subic Commercial Fishing Association Incorporated
Mabayo Agri Aqua Association in Bataan
Pambansang Katipunan ng Samahan sa Kanayunan (PKSK)
Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka (PAKISAMA)
Center for Agrarian Reform, Empowerment and Transformation (CARET)
Akbayan Youth
Student Council Alliance of the Philippines (SCAP)
"The world is watching, and the narrative of rightful ownership and peaceful assertion is clearly on our side," sabi ni Edicio Dela Torre ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) .
Tumulak ang civilian mission sa kabila ng ulat ng umano'y "huge force" o malaking pwersa ng Chinese vessels patungong Scarborough Shoal.
Sinabi ni dating US Air Force official at ex-Defense Attaché Ray Powell na ito na ang "largest blockade" sa Scarborough Shoal na kanyang nakita.
Muling iginiit ni David na ang "mapayapang" civilian mission—na nakatakdang matapos sa Mayo 17, Biyernes—ay isang lehitimong paggamit ng mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino at mga karapatan ng soberanya ng Pilipinas batay sa internasyonal na batas.
Sinabi naman ng Philippine Coast Guard (PCG) na titiyakin ang kaligtasan ng mga lumahok sa civilian mission sa gitna ng presensya ng Chinese vessels sa Scarborough Shoal.
"For the PCG, ang mandato natin siguraduhing ligtas ang mga gagamit ng karagatan as a maritime mandate of the Coast Guard. So as far as the Coast Guard is concerned, that is the only thing we are only focusing into na siguraduhing malayang makakapaglayag ang ating mga kasamahan sa Atin Ito Coalition," sabi ni PCG spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela .
Unang nagsagawa ng civilian mission ang Atin Ito sa WPS noong 2022 na may 40 participating boats.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment