Tinatayang nasa P791 milyon halaga ng mga illicit cigarettes at vape products na may iba't-ibang brand na nagmula sa Singapore ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Manila International Container Port (BOC-MICP) nitong Martes, May 14, 2024.
Nabatid sa BOC na ang pagkakatuklas sa mga nabanggit na kontrabando ay makaraang makatanggap ng derogatory information si Customs Intelligence and Investigation Service of MICP (CIIS-MICP) chief Alvin Enciso sa ilalim ni Deputy Commissioner, Juvymax Uy.
Napag-alaman na ang tatlong container na nagmula sa Singapore na naglalaman ng mga nasabing kontrabando ay dumating sa MICP noong Mayo 11, 2024.
Sinasabing ang kargamento ay naglalaman ng 3,845 cases ng tobacco products. Subalit nang isailalim sa physical examination, lumalabas na ito ay naglalaman ng 4,215 master cases of cigarettes at 1,053 master cases of heat sticks.
Dagdag pa rito, napag-alaman na ang subject cigarettes at heat sticks ay walang mandatory printed graphic health warnings sa packaging na paglabag sa R.A. 11900 o "Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act of 2022" na ipinatutupad ng Department of Trade and Industry, Administrative Order No. 22-16 series of 2022 at RA 10643 or "The Graphic Health Warnings Law of 2014."
Sa ginawang beripikasyon ng National Tobacco Administration (NTA), natuklasan na ang consignee ay hindi registered importer ng tobacco at iba pang tobacco related products, na paglabas sa NTA Board Resolution 079-2005.
Ang MICP, sa ilalim ng liderato ni District Collector Carmelita M. Talusan ay patuloy na sumusuporta sa direktiba ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa pinaigting na pagmamatyag kontra smuggling, kabilang na ang active prosecution of corresponding criminal and administrative cases against personalities involved.
"Our vigilant team is committed in upholding regulations and safeguarding consumers from potentially hazardous consumer products. This seizure aligns with President Ferdinand R. Marcos Jr.'s directive to beef up our anti-smuggling efforts against illicit vape and tobacco products," ani Rubio.
Isang Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang ipapalabas laban sa nasabing kargamento bilang paglabag sa violation of Section 117 (Regulated Importation) in relation to Section 1113 of RA 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), RA 11900 o ang "Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act of 2022" na ipinapatupad ng Department of Trade Industry (DTI) Administrative Order No. 22-16 series of 2022, RA 10643 o ang "The Graphic Health Warnings Law of 2014" at NTA Board Resolution no 079-2005.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment