Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na naglabas ang Bureau of Quarantine (BOQ) ng memorandum na nag-aatas sa ahensya na magsagawa ng masusing screening sa COVID-19 at iba pang sakit.
Sa Bureau Memorandum No.2024- 48 na may petsang Mayo 24, 2024, alinsunod sa kautusan ni Health Secretary Teodoro Hernosa ay kailangang magsagawa ng masusing screening para sa mga sintomas ng coronavirus disease.
"We appreciate the public's heightened interest in BOQ operations to protect our population- as you can see," pahayag ng DOH.
Sa inilabas na memorandum ng BOQ, nakasaad na humaharap ang bansa sa bagong COVID-19 strain na may KP.1 at KP.2 variations, na bahagi ng bagong tuklas na subvariants na tinawag na "FLiRT" na novel virus na kumakalat sa buong mundo.
Nagmula ito sa JN.1 subvariant na unang natukoy noong huling bahagi ng 2023 at dahilan ng pagtaas ng impeksyon ngayong taon.
Bunsod nito, inatasan ng BOQ ang lahat ng istasyon nito na magsagawa ng "thorough screening" sa Points of Entr para sa arriving visitors na nanggagaling sa mga bansa kung saan may natukoy na kaso ng COVID FLiRT.
Ayon naman sa DOH, upang maiwasan ang posibleng misinformation at fake news, pinayuhan ang publiko na kumuha lamang ng anunsyo sa beripikadong DOH social media channels o mainstream media.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment