Isinugod sa ospital ang 14 na mag-aaral matapos malason sa kinain nilang jelly noong Martes sa bayan ng Trento, Agusan Del Sur. Dinala ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa Valentina G. Plaza Memorial Hospital an… | Headlines Ngayon May 9 | Isinugod sa ospital ang 14 na mag-aaral matapos malason sa kinain nilang jelly noong Martes sa bayan ng Trento, Agusan Del Sur. Dinala ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa Valentina G. Plaza Memorial Hospital ang mga biktima na pawang mag-aaral sa Kapatungan Elementary School para lapatan ng lunas. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang 3:15PM nakaramdam ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mga biktima dahil sa nakaing "jelly". Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin kung saan nabili ng mga bata ang kinain nilang jelly. BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment