Viral ang na-hulicam na sapakan ng mayor at vice mayor ng bayan ng Tobias Fornier sa Antique dahil sa mga food pack na para sa mga apektado ng El Niño sa kanilang nasasakupan.
Ayon sa ulat ni Charmaine Abong sa Teletabloid, pinagtalunan ng dalawang opisyal kung sino ang mamamahagi ng food packs sa mga residente.
Sinabi ni Mayor Toto Tajanlangit na iniipit ni Vice Mayor Jojo Fornier ang distribution.
Saad naman ng bise alkalde, sa kanya nakipag-ugnayan ang tanggapan ng gobernador para ipamahagi ang mga food pack na mula sa Department of Social Welfare and Development.
Giit naman ni Mayor Tajanlangit, nainsulto siya sa ginawang "ninja moves" ng kanyang vice mayor.
Dagdag pa niya, dapat ang Municipal Social Welfare Office ang mamamahagi ng mga food pack dahil nasa kanila ang listahan ng mga kuwalipikadong benepisyaryo.
Nabatid umanong kaalyado ng bise alkalde ang gobernador ng lalawigan kaya siya ang kinontak ng tanggapan nito.
Samantala, magsasampa ng reklamong slight physical injury si VM Fornier laban kay Mayor Tajanlangit dahil sa panununtok.
Kakasuhan naman ni Tajanlangit si Fornier ng administratibo kaugnay sa umano'y delay na pamamahagi ng ayuda dahil umano sa panghihimasok nito.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment